Unemployment rate sa bansa, bahagyang bumaba ngayong Hulyo – PSA
Bahagyang nabawasan ang Unemployment rate o bilang ng mga nawalan ng trabaho matapos luwagan ang ipinatutupad na Commmunity Quarantine sa bansa dulot ng Covid-19 Pandemic.
Sa Labor Force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ginawa mula July 8 hanggang July 31, mula sa 7.3 million Unemployment rate noong April 2020, bumaba na ito sa 4.6 million noong nitong Hulyo.
Ayon kay National Statistician Usec. Dennis Mapa, ito’y dahil nagsimula nang buksan ang mga negosyo at industriya matapos ilagay sa General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine ang ilang mga Regional Economic centers sa bansa.
Sa survey nananatiling pinakamataas ang Unemployment rate sa Metro Manila na nasa 15.8 percent o katumbas ng 929,000 na mga walang trabaho.
Mas mataas ito kumpara datos na naitala noong Abril kung kailan naka- lockdown ang Metro Manila na umabot lang sa 12. 3 percent.
Ito ang pinakamataas na datos na naitala sa Unemployment rate survey mula noong July 2005.
Ang Metro Manila ay kabilang sa mga lugar na dalawang beses na isinailalim sa Modified ECQ dahil sa paglobo ng virus transmission.
Pumapangalawa sa may mataas na Unemployment rate ay ang rehiyon ng Calabarzon na may 12.4 percent o katumbas ng 886,000 indibidwal at ang Region 3 o Central Luzon na may 10.9 percent o katumbas 552,000 katao.
Inaasahan ng PSA na mababawasan pa ang bilang ng walang trabaho sa susunod na Labor Force survey sa Oktubre o huling quarter ng taon.
Mas marami na kasing negosyo ang binuksan kahit may umiiral naModified GCQ sa ilang panig ng bansa.
Nilinaw naman ni Mapa na hindi kasama sa nakunan ng survey ang mga Overseas Filipino Workers na nakasama sa mga nawalan ng trabaho sa abroad na umuwi ng bansa at manggagawang bumalik na sa kani-kanilang mga probinsya.
May ongoing survey pa aniyang ginagawa hinggil dito kung saan mas makikita ang mas detalyadong report.
Meanne Corvera