Unfilled position sa gobyerno kinuwestyon ng isang senador
Kinuwestyon ni Senator Joel Villanueva ang mataas na datos ng unfilled o bakanteng pwesto sa gobyerno samantalang milyon – milyon ang nawalan ng trabaho mula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.
Sa pagtalakay sa panukalang Pambansang Budget para sa susunod na taon, sinabi ni Villanueva na umaabot sa 178,009 ang bakante sa 1.8 million na plantilla positions sa gobyerno.
Umabot naman aniya sa 670,000 ang nakajob order na manggagawa sa gobyerno.
Tinukoy nito ang Department of Agriculture kung saan 4,588 ang naka jod order na empleyado samantalang higit 3,500 ang bakanteng plantilla position.
1,206 din ang contract of service o kontraktwal dito.
May halos 44,000 rin aniya na bakanteng pwesto sa Office of the Secretary ng Department of Education at higit 14,500 ang bakanteng pwesto sa Office of the Secretary ng Department of Health.
Sa pamamagitan ni Senator Sonny Angara, sinabi ng Department of Budget and Management na umaksyon na ito para mapunuan ang mga bakanteng posisyon.
Meanne Corvera