UNICEF pinuri ang COVID vaccination rollout ng gobyerno ng Pilipinas
Pinuri ng United Nations International Children’s Fund (UNICEF) ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga hakbangin nito para mabakunahan ang karamihan ng populasyon nito laban sa COVID-19.
Ang pahayag ay ginawa ni UNICEF Philippines Health and Nutrition Chief Malalay Ahmadzai kasunod ng pagdating sa bansa ng panibagong shipment ng Pfizer vaccines mula sa COVAX facility.
Binigyang-diin ni Ahmadzai na ligtas ang mga COVID vaccines kasabay ng paghimok sa publiko na magpabakuna na para mawakasan ang pandemya.
Sinabi pa ni Ahmadzai na maraming pagsisikap sa parte ng gobyerno upang bawat Pilipinong kailangan maturukan ay makatanggap ng anti- COVID vaccines.
Moira Encina