United Airlines, magtatanggal ng 593 mga empleyado
Halos 600 mga empleyado na ayaw sumunod sa requirement na magpabakuna para sa Covid-19, ang aalisin ng United Airlines.
Bukod sa 593 manggagawa na tumangging magpabakuna, may dalawang libong mga empleyado pa ang humiling ng medical o religious exemption sa vaccine requirement.
Ayon sa kompanya, katumbas ito ng nasa tatlong porsiyento ng 67,000 work force ng United Airlines.
Ayon sa kompanya, nasisiyahan sila sa overall impact ng polisiya. Sa unang bahagi ng August, inanunsiyo ng United na lahat ng US employees ay aatasan nang magpabakuna at kailangang i-upload ang kanilang vaccine card sa company system.
Higit 99% ng natitirang US staff ang sumunod sa requirement, ayon sa isang memo sa mga empleyado mula sa United Chief Executive na si Scott Kirby at Presidente na si Brett Hart.
Samantala, Inaayos na ng airline ang kanilang mga polisiya para sa mga empleyado na humiling ng exemptions, at binanggit ang isang pending court case kaugnay nito.
Ayon sa memo . . . “This is a historic achievement for our airline and our employees as well as for the customers and communities we serve. Our rationale for requiring the vaccine for all United’s US-based employees was simple, to keep our people safe and the truth is this: everyone is safer when everyone is vaccinated, and vaccine requirement work.”
Pahayag pa ng kompanya, susundin nila ang requirements of agreements nila sa mga unyon kung ang pag-uusapan ay ang pagtatanggal sa mga ayaw magpabakuna.
Nakasaad pa sa memo . . . “For less than one percent of people who decided to not get vaccinated, we’ll unfortunately begin the procesd of separation from the airline per our policy. This was an incredibly difficult decision but keeping our team safe has always been our first priority.”