Unity message ng tambalang BBM at Sara malaking factor kaya nakakuha sila ng majority support sa voters turnout ng May 9 Election
Naniniwala si Professor Ranjit Rye ng Octa Research Group na ang mensahe ng unity o pagkakaisa sa kampanya ng tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte ang dahilan kaya sila nakakuha ng majority sa voters turnout ng katatapos na halalan.
Sinabi ni Professor Rye na malaking bagay din ang pagsasama ng Marcos na mula sa Northern part ng bansa at Duterte na mula sa Southern part ng bansa.
Ayon kay Rye, ang majority support ni Marcos mula sa mga electorate ay may magandang implikasyon sa kanyang administrasyon.
Inihayag ni Rye na madaling maisulong ni BBM sa unang isang daang araw hanggang sa unang anim na buwan ng kanyang administrasyon ang kanyang mga programa de gobyerno na may kinalaman sa ekonomiya dahil taglay niya ang suporta ng mayorya maging sa dalawang kapulungan ng Kongreso at sa sektor ng mga negosyante.
Batay sa partial unofficial tabulation sa resulta ng halalan sa posisyon ng Presidente nakakuha si Marcos ng 31,104,175 na boto o katumbas ng 58.74 percent sa voters turnout ng nadaang halalan pinakamataas na porsiyento na nakuha ng isang presidential candidate pagkatapos ng tinaguriang Edsa People power noong 1986.
Vic Somintac