UPLB pagkakalooban ng tulong ang mga estudyante at pamilya ng mga ito na nagpositibo sa COVID-19
Makatatanggap ng special assistance mula sa UP Los Baños ang mga mag-aaral at kanilang pamilya na nahawahan ng COVID-19.
Ayon sa UPLB Office of the Vice Chancellor for Student Affairs, ang tulong ay maaaring pinansyal, medikal, psycho-social health o kaya ay academic assistance.
Kaugnay nito ay inumpisahan na ng pamantasan ang pagkalap ng impormasyon ng mga estudyante at kamag-anak nito na nagpositibo sa sakit sa pamamagitan ng online registry.
Layon nito na malaman ang mga pangangailangan ng mga apektadong mag-aaral.
Tiniyak ng UPLB na alinsunod sa Data Privacy Act ay gagamitin lamang para sa nasabing assistance program ang mga impormasyon na makakalap nila.
Sa pamamagitan naman ng pagsagot sa form ay ibinibigay ng estudyante ang kanilang consent na gamitin ang mga salient information para sa research at iba pang academic purposes sa hinaharap.
Pinaalalahan din ang mga respondents na sagutin ng makatotohanan at tama ang survey form dahil ang mga impormasyon ay dapat alinsunod sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases na nagbabawal sa pag-tamper ng records at misinformation.
Moira Encina