Upsurge ng pandemya nagpatuloy nguni’t mga namamatay bumaba ng limang bahagi

The number of Covid-linked deaths continued to decline, shrinking 20 percent to an average of 5,401 a day. The decline was reflected in all regions of the world.
AFP/Anthony Wallace/File

Nagpatuloy pa rin ang resurgence ng Covid-19 pandemic sa nagdaang linggo, partikular sa Asya at Europa, nguni’t ang bilang ng global deaths ay bumaba ng limang bahagi.

Ang average number ng global daily cases ay tumaas ng 12 percent o 1.8 million, matapos ang lubhang pagtaas ng sinundang linggo ayon sa AFP tally.

Muling dumanas ng resurgence ang Western European countries gaya ng France, kung saan ang bilang ng mga kaso ay tumaas ng 35 percent, habang ang Italya at Britanya ay tumaas naman ng tig-42 percent.

Sa Asya, may ilang bansa na nalampasan ang sarili nilang records, tulad ng South Korea, Vietnam at Thailand.

Ang mga kumpirmadong kaso ay sumasalamin lamang sa isang bahagi ng aktuwal na bilang ng mga impeksiyon, depende sa lebel ng testing sa iba’t-ibang bansa.

Ang pandemic upturn ay itinutulak ng Oceania, kung saan ang bilang ng mga bagong kaso ay tumaas ng 86 percent, kumpara sa nakalipas na linggo. Tumaas din ng 23 percent sa Asya at 7 percent sa Europe.

Gayunman, ang sitwasyon ay lubhang bumuti sa Africa, kung saan ang bilang ay bumaba sa 56 percent.

Sa gitnang silangan, ang mga kaso ay bumaba ng 26 percent, habang sa Latin America-Caribbean ay nabawasan ng limang bahagi ang mga kaso at sa United States-Canada zone ay nakapagtala ng 12 porsiyentong pagbaba.

Ang Laos ang nakapagtala ng pinakamalaking pagtaas sa bagong mga kaso sa 151 percent sa nakaraang linggo, sinundan ng Ireland sa 52 percent, South Korea sa 47 percent, at Finland sa 44 percent.

Kung sa populasyon naman, ang South Korea ang nakapagtala ng pinakamalaking bilang ng mga bagong kaso ngayong linggo, na may 5,288 sa bawat 100,000 katao. Sinundan ito ng Austria (3,484), New Zealand (2,706), Cyprus (2,613) at Netherlands (2,504).

Patuloy naman ang pagbaba ng bilang ng mga namamatay na may kaugnayan sa Covid-19, kung saan lumiit ito ng 20 percent o average ng 5,401 bawat araw.

Ang pagbaba ay naitala sa lahat ng rehiyon sa buong mundo.

Hong Kong ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng namatay batay sa populasyon, na may 26.49 bawat 100,000 inhabitants. Sinundan ito ng Latvia na 4.61, Denmark na may 4.33, Slovakia na may 4.08 at Chile na may 3.76.

Please follow and like us: