US citizens sa bansa pinaalalahan na huwag makilahok sa mga campaign rallies
Habang papalapit ang halalan, inabisuhan ng US Embassy ang mga Amerikano sa bansa na huwag sumali sa anumang partisan political activities.
Ayon sa embahada, ang mga dayuhan kasama ang US citizens ay pinagbabawalan na sumama sa mga malalaking rallies o pagtitipon ng mga tao para sa kaligtasan ngayong election period,
Paliwanag pa ng US Embassy, maaaring ituring na paglabag sa immigration status ng US citizens ang paglahok ng mga ito sa mga protesta o mass demonstration.
Ipinaalala rin ng embahada ang umiiral na gun ban o pagbabawal sa mga sibilyan kabilang ang mga banyaga na magdala ng baril sa labas ng bahay sa panahon ng halalan.
Kaugnay nito, pinayuhan din ng US Embassy ang mga mamamayan nito na patuloy na sundin ang safety at health protocols bilang pagiingat laban sa COVID-19.
Moira Encina