US Covid emergency status, matatapos na sa May 11 ayon sa White House
Inihayag ng White House na ang national at public health emergencies na idineklara nang manalasa ang COVID-19 pandemic tatlong taon na ang nakalilipas, ay opisyal nang matatapos sa May 11.
Ang pagtatapos kapwa ng federal emergency declarations, na nagkabisa noong January 2020 sa ilalim ng noo’y pangulo na si Donald Trump, ay nangangahulugan na tapos na rin ang paggamit sa pondo para i-subsidize ang mga gamot sa COVID, medical insurance at iba pang uri ng government aid na may kaugnayan sa pandemya.
Subali’t may isa pang malaking political debate, kung saan inihahanda ng Republicans na kumokontrol ngayon sa House of Representatives ang mga panukalang batas na naghahangad na tapusin na ang national emergency sa March 1 at ang public health emergency sa April 11.
Sa isang pahayag, sinabi ng White House, “Such abrupt cancelations of the two emergencies would have ‘highly significant impacts on our nation’s health system and government operations.’ This would include ‘chaos and uncertainty’ throughout the health care system. Hospitals and nursing homes that have relied on flexibilities enabled by the emergency declarations will be plunged into chaos without adequate time to retrain staff and establish new billing processes.”
Ang isa pang dahilan para sa isang 60 day notice period hanggang Mayo, ay upang bigyan ang gobyerno ng panahon na maghanda para sa epekto ng pag-aalis ng immigration emergencies, sa magulong hangganan o border ng US-Mexico.
Ang isang tuntunin na kilala bilang Title 42, na kasalukuyang umiiral upang pahintulutan ang mabilis na pagpapatalsik sa undocumented migrants, ay legal lamang dahil sa health emergency. Ang pagwawakas ng emergency ay “mabilis” na “magreresulta sa isang malaking karagdagang pagdagsa ng mga migrante.”
Sinabi ng White House na nais nitong wakasan ang Title 42 at palitan ito ng ibang legal na mekanismo para sa pagkontrol sa daloy ng mga magiging imigrante, ngunit kailangan nito ng panahon upang gawin iyon.
© Agence France-Presse
= = =