US Covid emergency status, tinapos na ni Biden
Opisyal nang tinapos ni President Joe Biden ang Covid national health emergency, na sa loob ng higit tatlong taon ay naging daan ng pambihirang pagsisikap na bigyan ng pangangalaga ang isang bansa kung saan mahigit isang milyong katao ang namatay mula sa sakit.
Ayon sa White House, “Biden signed a law passed earlier by Congress which terminates the national emergency related to the Covid-19 pandemic.”
Matatapos na rin ang paggasta ng malaking pondo para sa Covid tests, mga libreng bakuna, at iba pang emergency measures na magkasamang ipinatupad sa simula ng January 2020, upang subukang palayain ang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo sa pagkakasakal ng global pandemic.
Ang hindi malinaw ay ang epekto ng pagtatapos ng emergency sa tensiyonado nang southern border sa Mexico, kung saan matagal nang problema ng US authorities kung paano ima-manage ang daloy ng undocumented immigrants at malaking bilang ng asylum seekers.
Ang isang tuntunin na kilala bilang Title 42 ay ginamit sa panahon ng opisyal na health emergency upang magpatupad ng mahigpit na restriksiyon sa pagtanggap ng undocumented immigrants. Nakatakda na itong matapos, kaya mapipilitan na ang administrasyon na gumamit ng naiibang legal na mekanismo kung nais nitong maiwasan ang potensiyal na pagdating ng mga bagong undocumented immigrants at asylum seekers.
Sinabi ng isang senior official sa White House, na ang paggamit sa Title 42 “ay inaasahang magpapaso na sa May 11th.”
Ayon sa White House, bagama’t pormal na ngayong tatalikuran ng US ang worldwide pandemic, tinatrabaho na ng Biden administration ang isang “next generation vaccine” at iba pang mga panukala upang labanan ang mga lilitaw pang variant ng virus sa hinaharap.
Sinabi ng isang senior administration official, “Project NextGen will accelerate and streamline the rapid development of next generation of vaccines and treatments through public-private collaborations.”
Dagdag pa ng White House, “A fund of at least $5 billion is available to ‘help catalyze scientific advancement and stay ahead of the rapidly evolving virus’ that causes Covid-19.”
© Agence France-Presse