US drug maker na Moderna, magbubukas ng vaccine plant sa Canada
MONTREAL, Canada (AFP) – Magtatayo ng planta sa Canada ang US biotech company na Moderna, para sa produksiyon ng mga bakuna sa COVID-19 at iba pang respiratory infections.
Ang anunsyo ay ginawa ni Industry Minister Francois-Philippe Champagne kasama ng head ng Moderna, sa pagsasabing ang planta ang pupuno sa mga order para sa kanilang messenger RNA vaccines, lalo’t hirap ang manufacturers na ma-meet ang napakalaking demand para sa COVID-19 vaccines sa buong mundo.
Pahayag ng Moderna . . . “The collaboration aims to provide Canadians with access to a domestically manufactured portfolio of mRNA vaccines against respiratory viruses, including COVID-19, seasonal influenza, respiratory syncytial virus (RSV) and potential other vaccines.”
Ayon kay Champagne . . . “If there is a new virus emerging – a new string of Zika or Ebola or corona or flu, the Canadian government can decide to use part or all of that capacity for that specific virus to protect the Canadian people.”
Ang financial contribution ng gobyerno sa proyekto ay hindi ibinulgar, subalit sinabi ni Champagne na ang kompanya ay mamumuhunan ng ilang daang milyong dolyar sa aniya’y state of the art facility.
Sa kasalukuyan, walang sariling vaccine production ang Canada at umaasa lang sa inaangkat Pfizer-BioNTech, Moderna at iba pang bakuna para sa kanilang 38 milyong mga mamamayan.
Sinabi ni Moderna chief executive Stephane Bancel, na ang bagong pasilidad ay tatakbo na sa 2024, kung saan magpo-produce ito ng hanggang 30 milyong doses ng bakuna kada taon.
Agence France-Presse