US F-35 nagkaproblema sa pag-landing, 7 ang nasaktan
Pitong US sailors ang nasaktan nang magkaproblema sa pag-landing sa isang aircraft carrier ang sinasakyan nilang US F-35 fighter.
Ayon sa US Pacific Fleet, nangyari ang aksidente nang tangkain ng F-35C Lightning II, isang stealth combat aircraft, na lumapag sa USS Carl Vinson habang nagsasagawa ng routine flight operation sa South China Sea.
Stable na ang kondisyon ng tatlo sa pitong nabanggit na dinala sa Maynila.
Apat naman ang ginamot sa barko, habang nakalabas na ang tatlo pa.
Wala namang ibinigay na detalye sa dahilan ng insidente o kung ano ang nangyari sa F-35 C na sinakyan ng 7 sailors, nguni’t iniimbestigahan na ito ayon sa Pacific Fleet.
Ang Vinson at isa pang US carrier, ang USS Abraham Lincoln at kanilang strike groups ay nagsimula ng drills nitong Linggo sa South China Sea, kasunod ng drill exercises kasama ng isang Japanese naval ship sa Philippine Sea noong nakalipas na Linggo.