US government magsasagawa ng Virtual Community College Fair para sa mga international students
Magkakaroon ng Virtual Community College Fair ang US government para sa mga international high school students na nais mag-aral ng higher education sa Estados Unidos.
Ayon sa US Embassy, ang EducationUSA ang mangunguna sa aktibidad na isasagawa sa Pebrero 23 sa ganap na ala-7:30 ng gabi.
Itatampok sa online fair ang 10 sa top community colleges sa US para sa mga overseas students.
Sinabi ng US Embassy na oportunidad ang virtual event para makasalamuha ng high school students, magulang at school administrators ang community college admissions officers.
Ang mga community college ay nag-aalok ng dalawang taong Associate’s Degree programs.
Sinabi ng US Embassy na tumataas ang popularidad ng mga community colleges sa mga international students.
Ilan sa mga dahilan ay mas mura ang matrikula at iba pang fees sa mga community colleges, at nagaalok ng credits at guaranteed transfers sa maraming pangunahing pamantasan sa Amerika.
Moira Encina