US gov’t nag-donasyon ng RT-PCR extraction kits sa Philippine Genome Center
Tumanggap ang Philippine Genome Center ng RT-PCR extraction kits na katumbas ng 3,000 tests mula sa US government.
Si USAID Philippines Office of Health Director Michelle Lang-Alli ang nagbigay ng donasyon sa isang virtual ceremony sa mga opisyal ng DOH.
Ayon sa USAID official, makatutulong ang mga kits sa tracking ng mga variants ng COVID-19 na susi para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Umaasa ang USAID na mapalalakas ng extraction kits ang testing at genomic surveillance capability ng Philippine Genome Center.
Umaabot na sa halos Php1.4 billion ang halaga ng tulong ng US sa laban ng Pilipinas sa COVID-19.
Moira Encina