US hindi naniniwalang may nangyayaring ‘genocide’ sa Gaza
Hindi naniniwala ang Estados Unidos na may nagaganap na ‘genocide’ sa Gaza, ngunit kailangang dagdagan ng Israel ang mga hakbang upang proteksiyunan ang Palestinian civilians.
Iginiit ni White House National Security Advisor Jake Sullivan, na ang responsibilidad para sa kapayapaan ay nasa kamay ng militanteng grupong Hamas.
Aniya, “We believe Israel can and must do more to ensure the protection and wellbeing of innocent civilians. We do not believe what is happening in Gaza is a genocide. The US was ‘using the internationally accepted term for genocide, which includes a focus on intent’ to reach this assessment.”
Ayon pa kay Sullivan, “Biden wanted to see Hamas defeated but realized that Palestinian civilians were in hell.”
Sabi pa ni Sullivan, “The US president believed any Rafah operation ‘has got to be connected to a strategic endgame’ that also answered the question, what comes next?”
Matatandaan na si Biden ay binatikos ng Republicans dahil ipinatigil nito ang pagpapadala ng mga armas sa Israel, upang igiit ang kaniyang pagnanais na huwag ituloy ng Israel ang opensiba sa Rafah, habang nagpo-protesta naman ang mga unibersidad sa US laban sa kaniyang pagsuporta sa Israel.