US hindi raw hiningi ang tulong ng tropang Pinoy sa Taiwan conflict – PBBM
Tahasang ‘hindi’ ang agad na sagot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tanong kung hiniling ng Estados Unidos na mai-deploy ang sundalo ng Pilipino sakaling pumutok ang gulo sa Taiwan.
Sa kaniyang pagharap sa Center for Strategic and International Studies (CSIS) ASEAN Leaders Forum inihayag ni Pangulong Marcos ang mga polisiya ang kaniyang administrasyon at sumagot sa mga tanong ukol sa maiinit na isyung kinakaharap ng bansa.
“No. The short answer is no,” sagot ni Pangulong Marcos.
“To be fair, the United States has never brought up the possibility that we will use, that the United States will use the EDCA sites as stating areas for any offensive actions against any countries,” pagdidiin pa ng Chief Executive.
Sinabi ni Marcos na walang binanggit ang Amerika sa ganitong plano sa apat na bagong lokasyon na tinukoy ng PIlipinas para sa implementasyon ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Tatlo sa mga base military na tinukoy para sa 4 na EDCA sites ay sa Cagayan at Isabela na mga lalawigang malapit sa Taiwan Strait.
Sinabi ni Pangulong Marcos na malinaw kung bakit ito ang mga napiling lokasyon at kung ano ang layunin ng pamahalaan.
“The United States has never said that this is a possibility and we’ve also made it clear to our end that this is not the purpose of those sites and this is not the way that they will be used,” paliwanag pa ni Pangulong Marcos.
Sinabi pa ni Marcos sa forum na personal niyang tiniyak kay Chinese Foreign Minister Qin Gang na hindi gagamitin ang mga EDCA sites bilang military bases para atakehin ang isang bansa.
“No, these are not intended to be military bases to attack, to move against anyone, any country, not china, not any country… again we turn back to the simple concept of our foreign policy and it is the we’re continuing work that we would like to be involved in the pursuit of peace and that continues to be the case,” dagdag na paliwanag ni Marcos.
Una nang binatikos ng China ang pagpapahintulot ng Pilipinas na magamit ang mga pasilidad sa ilalim ng EDCA.
Babala ng China na ang hakbang na ito ng Pilipinas ay maaaring magdamay sa Pilipinas sa gusot sa Taiwan Strait.
Weng dela Fuente