US inilunsad ang isang bagong biodiversity project sa Pilipinas

Inilunsad ng US Government ang isang bagong Biodiversity project para suportahan ang pagprotekta sa kapaligiran at likas na yaman ng Pilipinas.

Ayon sa US Embassy, ito ay ang Sustainable Interventions for Biodiversity, Oceans, and Landscapes o SIBOL project.

Ang limang taong proyekto na may halagang  1.1 billion pesos ay tutulong sa pamahalaan ng Pilipinas sa pagpapabuti sa Natural Resource Governance at paglaban sa Environmental crimes.

Makikipagtulungan ang United States agency for International Development (USAID) sa DENR at BFAR para sa implementasyon ng proyekto.

Sinabi ng USAid na ang epektibong conservation management at measurement ng likas na yaman ay makakaagapay sa pagpapaunlad sa ekonomiya at environmwnt resilience ng Pilipinas.

Isa sa mga makikinabang sa proyekto ay ang Cleopatras Needle sa Puerto Princesa city na itinuturing na critical habitat sa mga wildlife.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: