US Latinos, hinimok ng pangulo ng Mexico na huwag suportahan ang kandidatura ni DeSantis
Hinimok ng pangulo ng Mexico ang US Latino voters, na huwag suportahan si Florida governor Ron DeSantis, na nagpahayag ng hangaring patalsikin si President Joe Biden sa pamamagitan ng pangakong “isasara” ang border.
Sinabi ni Andres Manuel Lopez Obrador, “I hope Florida’s Hispanics wake up and don’t give him (DeSantis) even one vote. They should reject those who persecute migrants.”
Inanunsyo ni DeSantis ang kanyang kandidatura noong Miyerkules sa isang live Twitter event.
Sa higit isang oras na event na hosted ng owner ng Twitter na si Elon Musk, binatikos ni DeSantis ang immigration policies ni Biden.
Ayon sa 44-anyos na conservative, “Biden has opened the southern border and allowed massive amounts of drugs to pour into the country. We’ll shut down the border, construct a border wall and hold the drug cartels accountable.”
Tinatayang 35-milyong katao na may Mexican descent ang naninirahan sa Estados Unidos.
Si Lopez Obrador, isang makakaliwang populist, ay dati nang nanawagan sa mga botanteng Latino na huwag suportahan ang mga kandidato sa kongreso na gumagamit ng retorika laban sa immigrants.
Ngunit nagkaroon siya ng magiliw na relasyon kay Trump, sa kabila ng pagbabansag nito sa Mexican migrants bilang “rapist” at mga nagbebenta ng droga sa panahon ng kanyang kampanya sa halalan noong 2016.