US magkakaloob ng Php 170-M halaga ng technical assistance para sa vaccine deployment sa bansa
Magbibigay ng bagong suporta ang gobyerno ng Estados Unidos para sa COVID-19 vaccine rollout sa bansa.
Ayon kay US Embassy Chargé d’Affaires John Law, kabuuang Php 170-M na halaga ng technical assistance ang ipagkakaloob ng United States Agency for International Development (USAID) sa Pilipinas.
Gagamitin ang pondo sa pagpapalakas ng vaccine supply chain, pag-monitor sa vaccine safety, at pagbuo ng epektibong kampanya para matugunan ang pangamba sa bakuna ng publiko.
Sinabi pa ng US Embassy na makatutulong din ang technical assistance sa mga LGUs sa kanilang COVID vaccination rollout.
Inanunsyo ng US ang panibagong tulong sa pagbisita ng mga opisyal ng embahada sa isang vaccination site sa Caloocan City.
Sa kabuuan ay umaabot na sa Php1.3-B ang halaga ng tulong na naipagkaloob ng gobyerno ng US sa laban sa COVID-19 ng Pilipinas.
Moira Encina