US magpapadala sa Bangladesh ng dagdag na 2.5 million Covid vaccine
Magpapadala ang Estados Unidos ng dagdag na 2.5 million Covid vaccine doses sa Bangladesh, ayon sa White House.
Kasunod ito ng anunsiyo ng Biden administration na daragdagan ang global donations.
Dahil sa 2,508,480 dagdag na Pfizer doses na ipadadala ng US sa Bangladesh, higit siyam na milyon na ang kabuuan ng bakunang naipadala ng America sa naturang bansa.
Ayon sa isang US official na ayaw magpabanggit ng pangalan . . . “Packing was underway and first deliveries, made through the World Health Organization’s Covax program, arrive Monday. We are proud to be able to deliver these safe and effective vaccines to the people of Bangladesh. There were no strings attached to the donation.”
Sa datos ng Agence France-Presse (AFP), 9.3% lamang ng populasyon ng Bangladesh ang fully vaccinated na.
Ang mahirap na bansa na may halos 170 milyong populasyon ay nahirapang kontrolin ang pandemya, at ang ipinatupad nilang lockdown ang ilan sa pinakamahaba sa buong mundo.
Gaya ng iba pang mayayamang mga bansa, ang Estados Unidos ay inaakusahan na itinatago ang bakuna, at mas inuuna ang pagbibigay ng booster shots sa halip na tulungan ang ibang mga bansa na malaking bilang ng populasyon ang hindi pa nababakunahan.
Subalit nitong Miyerkoles, sa Covid-19 summit of world leaders ay sinabi ni US President Joe Biden na ang America ay magdodonasyon ng “historic” extra 500 million vaccine doses. Nangangahulugan na sa kabuuan ay aabot na sa 11 bilyon ang commitment ng US sa buong mundo.
Hinamon din ni Biden ang world leaders na magbigay ng bakuna, upang mabakunahan na ang 70% ng bawat bansa pagdating ng September 22.
Ayon sa US official na ayaw magpabanggit ng pangalan . . . “We are sharing these doses not to secure favors or extract concessions.”
Nasa 4.7 milyong katao sa buong mundo ang namatay mula nang mag-umpisa ang outbreak sa China noong December 2019, ayon sa official sources.