US media iniulat ang Israeli strikes sa Iran
Nag-ulat ang Iran state media ng mga pagsabog sa central Isfahan ngayong Biyernes, habang binanggit naman ng US media na sinabi ng mga opisyal na isinagawa na ng Israel ang kanilang retaliatory strikes sa mahigpit nitong karibal.
Ayon sa report, pinagana ang air defence systems sa ilang siyudad sa Iran, matapos sabihin ng opisyal na broadcaster ng bansa na may narinig na mga pagsabog malapit sa central city ng Isfahan.
Una nang nagbabala ang Israel na gaganti pagkatapos magpakawala ng Iran ng daan-daang missiles at drones nitong weekend na karamihan naman ay naharang.
Iniulat ng Fars news agency ng Iran na “tatlong mga pagsabog” ang narinig malapit sa Shekari army airbase sa hilagang-kanluran ng Isfahan province, habang sinabi naman ng Iran space agency spokesman na si Hossein Dalirian, na “ilang” drones ang “matagumpay na napabagsak.”
Sa post sa social media platform na X ay sinabi ni Dalirian, “There are no reports of a missile attack for now.”
Batay naman sa report ng Tasnim news agency ng Iran, ang nuclear facilities sa Isfahan ay napaulat na “completely secure,” banggit ang “reliable sources.”
Ayon sa ABC at CBS News reports, ang strikes ay gawa ng Israel, banggit ang US officials. Wala namang agad na komento mula sa White House o Pentagon.
Sinabi naman ng Israeli military sa AFP, “We don’t have a comment at this time.”
Iran and the Middle East © Olivia BUGAULT, Hervé BOUILLY, Jean-Michel CORNU / AFP
Ang Iran na pangunahing taga suporta ng Palestinian militant group na Hamas at ng Hezbollah sa Lebanon, ay naglunsad ng pag-atake bilang ganti sa April 1 strike sa kanilang konsulada sa Damascus na malawakang isinisisi sa Israel.
Ayon sa local activist group, may napaulat ding mga pagsabog sa timugang Syria.
Sinabi ni Rayan Maarouf, na siyang nagpapatakbo sa Suwayda24 anti-government website na naghahatid ng balita mula sa Sweida province sa timog, “There were strikes on a Syrian army radar position.”
Sinuspinde naman ang mga flight sa maraming parte ng Iran ngayong Biyernes.
Sinabi ng IRNA, official news agency ng Tehran, “Iran’s air defence has been activated in the skies of several provinces of the country.”
Sa ulat ng Mehr news agency ay nakasaad, “flights to Tehran, Isfahan and Shiraz, and airports in the west, northwest and southwest have been suspended.”
Pagkatapos magpaulan ng Iran ng mga missiles, hindi sinabi ng Israeli officials kung kailan o saan sila gaganti, pero ayon kay Prime Minister Benjamin Netanyahu, karapatan ng kanilang bansa na protektahan ang sarili.
Nagbabala naman si UN Secretary-General Antonio Guterres tungkol sa sitwasyon sa Gitnang Silangan sa pagsasabing, “spiralling tensions over the war in Gaza and Iran’s attack on Israel could devolve into a ‘full-scale regional conflict.’ The Middle East is on a precipice. Recent days have seen a perilous escalation — in words and deeds.”
Dagdag pa niya, “One miscalculation, one miscommunication, one mistake, could lead to the unthinkable — a full-scale regional conflict that would be devastating for all involved. I call on all parties to exercise ‘maximum’ restraint.”
Ang halaga ng langis ay tumaas ng mahigit tatlong porsiyento sa maagang Asian trade ngayong Biyernes, kasunod ng mga balita ng mga pagsabog sa Iran.