US nag-donate sa Pilipinas ng mahigit 86,000 HIV viral load testing cartridges
Nagkaloob ang U.S. government sa Pilipinas ng mahigit 86,000 HIV viral load testing cartridges kaalinsabay ng paggunita sa World AIDS Day.
Pinangunahan ni U.S. Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson ang handover ng viral cartridges sa mga opisyal ng Department of Health (DOH).
Ayon sa U.S. Embassy, nagkakahalaga ang viral load cartridges ng Php 85 million ($1.5 million).
Ang cartridges ay ipamamahagi ng DOH sa HIV treatment hubs at facilities sa buong bansa.
Inaasahan na matutugunan ng mga donasyon ang viral load testing requirements para sa lahat ng pasyente na sumasailalim sa HIV treatment sa loob ng isang taon.
Mula December 2020, nakapagbigay ng Php 1 billion ($18.2 million) halaga ng suporta ang Amerika sa Pilipinas para sa HIV prevention, case finding, at treatment interventions.
Moira Encina