US nagkaloob ng bagong defense equipment sa militar at dagdag na tulong sa mga sinalanta ng bagyo sa Pilipinas
Bumisita sa bansa si US National Security Advisor Robert O’Brien.
Ayon sa US Embassy, ang pagbisita ni O’Brien ay para tiyakin at pagtibayin ang alyansa at bilateral relationship ng Pilipinas at Estados Unidos.
Bilang patunay ng matatag na relasyon ng dalawang bansa, inanunsyo ni O’Brien ang karagdagang Php169 million na humanitarian assistance sa mga komunidad na sinalanta ng bagyo.
Makikipag-ugnayan ang United States Agency for International Development o USAID sa mga implementing partners nito para sa pagkakaloob ng shelter, logistics, cash, water, sanitation at hygiene needs ng mga biktima ng bagyo.
Bukod dito, nagkaloob din ang US ng tranche ng precision-guided munitions o PGMs sa Armed Forces of the Philippines.
Isinagawa ang handover ceremony sa DFA ng mga nasabing defense equipment.
Sinabi ng US Embassy na ang bagong military assistance na ito ay makatutulong sa paglaban ng AFP sa ISIS-East Asia sa katimugang bahagi ng Pilipinas.
Moira Encina