US, naungusan na ng China bilang pinakamayamang bansa sa buong mundo
Naungusan na ng China ang United States bilang pinakamayamang bansa sa buong mundo.
Ito’y matapos suriin ng McKinsey & Co. ang national balance sheets ng sampung bansa, na kumakatawan sa 60% ng income sa buong mundo.
Ang naitalang kabuuang-yaman ng China sa nakalipas na dalawang dekada ay $120 trilyon, na sinasabing nakamit din sa tulong ng pag-anib nito sa World Trade Organization.
Samantala, ang income ng US ay naitala sa $90 trilyon kung saan nakaapekto rito ang pana-panahong pagtaas ng property prices. (AFP)
Please follow and like us: