US officials, hindi imbitado sa Saudi investment forum
Hindi imbitado ang US government officials sa isang Saudi investment conference na nakaplano sa huling bahagi ng Oktubre, ayon sa organiser nito at sinabing “ayaw niyang maging isang political platform” ang naturang pagtitipon.
Ang desisyong huwag imbitahan ang American officials, ay sa gitna ng umiinit na tensiyon sa pagitan ng matagal nang magka-partner na Washington at Riyadh kaugnay ng kamakailan ay ipinasya ng Saudi-led OPEC + cartel, na bawasan ang oil production ng hanggang dalawang milyong bariles bawat araw simula sa Nobyembre.
Sinabi ni Richard Attias, CEO ng grupong nasa likod ng event, na ang Future Investment Initiative (FII), isang tatlong araw na conference na nakatakdang magsimula sa October 25 sa Riyadh, ay tipikal na dinadaluhan ng Wall Street titans at high-ranking officials mula sa iba’t ibang panig ng mundo, at hanggang sa 400 American CEOs ang inaasahang lalahok ngayong taon sa pagtitipon na malimit tawaging “Davos in the Desert”.
Nitong nakalipas na mga araw ay itinanggi ng Saudi Arabia ang akusasyon ng US na pumanig ito sa Russia sa gitna ng giyera nito sa Ukraine war, sa pamamagitan ng pagbawas sa kanilang oil production upang pataasin ang presyo ng krudo at iginiit na iyon ay purong “business decision.”
Sa kaniyang speech broadcast ay iginiit ni Saudi King Salman, “My country is working hard, within its energy strategy, to support the stability and balance of global oil markets.’
Ang edisyon ng FII noong isang taon ay dinaluhan ni Don Graves, ang deputy commerce secretary sa ilalim ng kasalukuyang US President na si Joe Biden.
Sinabi ni Attias, “We didn’t invite any US government figures. We are not inviting too many politicians… because I realised that when you have political leaders on stage, the attention of the media, let’s be very frank, is diverted to the political agenda, and we don’t want FII to become a political platform.”
Hindi naman agad tumugon ang US embassy sa Riyadh nang hingan ng komento.
© Agence France-Presse