US Planes hinimok na gamitin sa Cloud seeding
Iminungkahi ni Senador Francis Tolentino sa sandatahang lakas ng bansa na magamit ang mga eroplano ng Estados Unidos na kalahok sa Military drill para sa cloud seeding para bawasan ang matinding epekto ng El Niño.
Sinabi ni Tolentino na maraming probinsya ang nakakaranas ngayon ng matinding init pero wala aniyang kapasidad ang Department of Agriculture para magsagawa ng cloud seeding operations.
Nasubukan na aniya ng US Naval planes ang ganitong operasyon sa California.
Ang US Naval forces ay kasama sa multilateral military cooperation activity kasama ang Australia, Japan at Pilipinas.
Bukod sa military drill, maaari naman aniyang magsagawa ng humanitrian mission sa mga Natural Calamities o El Niño hindi lang ang Amerika kundi ang mga kalahok sa MMC.
Tinukoy ng Senador ang mga lalawigan ng Cauayan sa Isabela at Zambales na nakakaranas ngayon ng pinakamatinding init na umabot na sa 45 degrees.
Si Senador Robin Padilla naghain naman ng resolusyon para paimbestigahan sa Senado ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno sa pagtugon sa El Niño .
Sa Senate Resolution 987 na inihain ni Padilla nais nitong malaman ang ginagawang information at Awareness campaign ng mga ahensya ng gobyerno ngayong matindi na ang epekto ng El Niño lalo na sa sektor ng Edukasyon, Kalusugan at pampublikong kaligtasan.
Meanne Corvera