US President Joe Biden, nagpahiwatig ng pagtakbo sa 2024 sa ginanap na arts awards ceremony sa White House
Ginamit ni US President Joe Biden ang arts awards ceremony kung saan ang isa sa pinarangalan ay isang aktres na popular na gumanap bilang isang fictional president, upang ibigay ang pinakamatinding pahiwatig na nais niya ng ikalawang termino sa White House sa 2024.
Sa pagbibigay niya ng isang National Humanities Medal sa “Underground Railroad” author na si Colson Whitehead, binanggit din ni Biden na ang manunulat ay magkasunod na nanalo ng dalawang Pulitzer prize na hindi karaniwang nangyayari.
Pagkatapos ay nagbiro ito na nagresulta sa pagtatawanan sa White House hall na puno ng tao nang sabihin niya, “I’m kinda looking for back-to-back myself.”
Una nang nilinaw ni Biden nang walang pormal na anunsiyo, na intensyon niyang tumakbo para sa ikalawang termino sa 2024.
Muli siyang nagbigay ng pahiwatig nang ipagkaloob niya ang National Medal of Arts award sa rock legend na si Bruce Springsteen, kung saan sinabi niya, “Bruce, some people are just born to run.”
Isa sa tumanggap ng malakas na pagbubunyi ay nang ibigay ni Biden ang arts medal, ang pinakamataas na American honor para sa mga artist, sa aktres na si Julia Louis-Dreyfus, na mas nakilala sa pagganap niya sa papel ng vice president na kalaunan ay naging president na si Selina Meyer sa pelikulang “Veep.”
Sa pagbubukas ng seremonya, ay tinawag ni Biden ang aktres na “former president Selina Meyer.”
Kabilang din sa binigyan ng arts awards ay ang fashion designer na si Vera Wang at ang beteranong blues, gospel and pop singer na si Gladys Knight.
Samantala, ang mga manunulat na sina Walter Isaacson at Ann Patchett ay kabilang sa mga gaya ni Whitehead, ay binigyan ng National Humanities Medal.
© Agence France-Presse