US Secretary of State Antony Blinken at US Defense Secretary Lloyd Austin, bibisita sa Pilipinas sa Hulyo 30
Darating sa bansa sa Hulyo 30, sina US Secretary of State Antony Blinken at US Secretary of Defense Lloyd Austin III.
Ito ay para sa ika-apat na Philippines-United States Foreign and Defense Ministerial Dialogue o 2+2 Dialogue, kung saan makahaharap nina Blinken at Austin ang mga counterpart nila sa Pilipinas na sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Defense Secretary Gilberto Teodoro.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), inaasahang pag-uusapan ng mga opisyal kung papaano mas palalakasin ang “ironclad commitment” ng dalawang bansa, at ang mga parehong programa para suportahan ang rules-based international order at mga solusyon sa regional at global issues.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, “During this year’s 2+2 Dialogue, the four Secretaries are expected to discuss how to further enhance our two countries’ ironclad commitment to this alliance while enabling a common program in support of the rules-based international order, enhanced economic ties, broad-based prosperity, and solutions to evolving regional and global security challenges.”
Sa hiwalay na pahayag ng US Embassy sa Maynila at US Department of State, kabilang sa mga tatalakayin ng apat na opisyal ang pagpapaigting ng koordinasyon sa isyu sa South China Sea.
Moira Encina-Cruz