US visa ng tinaguriang Drug Queen na si Guia Castro, kinansela na ng Estados Unidos – ayon sa DOJ
Kinansela na ng gobyerno ng Estados Unidos ang US Visa ng tinaguriang Drug Queen na si Guia Castro.
Sinabi ni Justice Undersecretary at spokesperson Markk Perete na inaprubahan ng US government ang kanilang kahilingan na kanselahin ang visa ni Castro.
Ayon kay Perete, nakikipag-ugnayan na ang Bureau of Immigration sa US Immigration authorities para mapadeport sa Pilipinas si Castro.
Una nang napaulat na nasa Los Angeles, California na si Castro matapos umalis sa Pilipinas noong September 21 patungong Taiwan at nagkaroon ng connecting flight sa Taiwan.
May tatlo ring warrant of arrest laban kay Castro para sa mga kasong droga at estafa.
Tinukoy ng PNP si Castro na nasa likod ng pagrecycle ng droga na nasasabat sa mga operasyon sa Maynila.
Ulat ni Moira Encina