USAID workers na pinag-leave ni Trump, pinabalik sa trabaho ng isang US judge

A USAID flag flutters outside the USAID building in Washington, DC, US, February 3, 2025. REUTERS/Kent Nishimura
Pinayagan ng isang US judge na pansamantalang bumalik sa trabaho ang halos 2,700 employees ng US Agency for International Development (USAID), na pinag-leave ni US President Donald Trump, employees put on leave by President Donald Trump’s administration to go back to work, na magpapahinto sa aspeto ng mga planong lansagin ang ahensiya.
Pinagbigyan ng US District Judge na si Carl Nichols sa Washington, na hinirang ni Trump sa panahon ng una niyang termino, ang kahilingan ng pinakamalaking US government workers’ union at ng isang asosasyon ng foreign service workers, na nagdemanda upang pigilan ang pagsisikap ng administrasyon na isara ang ahensiya.

The logo of USAID is seen at a community kitchen set-up by them and the World Food Programme in Cucuta, Colombia February 7, 2019. REUTERS/Marco Bello/File Photo
Ang utos ni Nichols, na magkakabisa hanggang Pebrero 14, ay hahadlang sa administrasyon ni Trump para maipatupad ang mga plano na ilagay sa paid leave ang humigit-kumulang 2,200 manggagawa ng USAID, at ibalik ang humigit-kumulang 500 empleyado na natanggal na.
Pinipigilan din nito ang administrasyon na ilipat ang USAID humanitarian workers na nakatalaga sa labas ng Estados Unidos.
Sa isang pagdinig na nakatakda sa Miyerkoles, ay ikokonsidera naman ni Nichols ang isang kahilingan para sa isang long-term pause. Isinulat niya sa kautusan na ang mga unyon ay nagpakita ng malakas na pinsalang hindi na mareremedyuhan, kung sakaling ang ang hukuman ay hindi makikialam.
Tinanggihan naman ni Nichols ang iba pang kahilingan mula sa mga unyon na muling buksan ang mga gusali ng USAID, at ibalik ang pondo para sa grants at contracts ng ahensiya.

USAID signage is covered at the agency’s headquarters in Washington, U.S., February 7, 2025. REUTERS/Nathan Howard
Noong Huwebes, ay nagpadala ng notice ang administrasyon sa mga mangagawa ng foreign aid agency, na nagsasabing papananatilihin nito ang 611 essential workers ng USAID mula sa isang pandaigdigang workforce na ang kabuuan ay mahigit sa 10,000.
Ayon kay Karla Gilbride, abogado para sa mga unyon, “The major reduction in force, as well as the closure of offices, the forced relocation of these individuals were all done in excess of the executive’s authority in violation of the separation of powers.”
sinabi naman ng isang opisyal ng Justice Department na si Brett Shumate kay Nichols, na nasa 2,200 USAID employees ang ilalagay sa paid leave sa ilalim ng mga plano ng administrasyon, habang 500 naman ang naka-paid leave na.

] A person looks into the building, next to a USAID sign which is covered over, at the agency’s headquarters in Washington, U.S., February 7, 2025. REUTERS/Nathan Howard
Sa kaniyang post sa Truth Social noong Biyernes, ay walang ebidensiyang inakusahan ni Trump ang USAID ng korapsiyon at maling paggamit ng pera.
Nakasaad sa post, “USAID IS AT LEVELS RARELY SEEN BEFORE. CLOSE IT DOWN!”
Ilang oras matapos ang kaniyang inagurasyon noong Enero 20, ipinag-utos ni Trump na i-pause ang lahat ng US foreign aid upang matiyak na naaayon ito sa kanyang patakaran na “America First.” Mula noon ay nagkaroon na ng kaguluhan sa USAID, na namamahagi ng bilyun-bilyong dolyar na humanitarian aid sa buong mundo.
Noong 2023, ang United States ay nagbigay, na bahagyang sa pamamagitan ng USAID, ng $72 bilyon ng tulong sa buong mundo para sa lahat mula sa kalusugan ng kababaihan sa mga conflict zone hanggang sa pag-access sa malinis na tubig, treatments sa HIV/AIDS, seguridad sa enerhiya at gawaing laban sa katiwalian.
Nagbigay ito ng 42% ng lahat ng humanitarian aid na sinusubaybayan ng United Nations noong 2024, ngunit iyon ay kumakatawan sa mas mababa sa 1% ng kabuuang badyet nito.