Usec Mocha Uson nasermunan ng mga senador sa pagdinig sa isyu ng fake news
Nasermunan ng mga senador si Communication Assistant Secretary Mocha Uson na isa ring blogger sa ginawang pagdinig ng senado tungkol sa isyu ng fake news.
Ito ay mtapos igiit ni Uson na hindi nya kailangang kunin ang dalawang panig bago isapubliko ang mga sensitibong report o impormasyon.
Masama ang loob ni Senador Bam Aquino dahil sa dami ng impormasyon na inilabas ni Uson, hindi kinuha ang kanilang panig o reaksyon ng oposisyon lalo na sa mga kontrobersyal na isyu.
Dapat bini verify muna aniya ang source at kung may katotohanan ang report dahil anumang ilalabas nilang impormasyon ay maaring maka impluwensya sa publiko.
Subalit nangatuwiran si Uson hindi nya ito trabaho dahil hindi naman sya isang mamamahayag.
Gayunman, binigyang diin ni Senador Nancy Binay na bilang isang government offical dapat mamili na si Uson kung ano ang mas pagtutuunan ng pansin kung paggawa ng blog o pagtulong para mapaganda ang imahe ng pangulo.
Sa ilalim aniya ng Republi Act 6713 o code of conduct and ethical standards for public officials and employees, hindi pwedeng ihiwalay ang pagiging blogger sa pagiging opisyal ng gobyerno.
Aminado naman ang mga mambabatas na wala pang batas na magpaparusa labam sa mga bloggers,
Pero pinapayuhan sila ng mga senador na maging responsable sa paglalabas ng mga impormasyon lalot pati mga kabataan ay nakadepende na rin sa social media
Ulat ni Meanne Corvera