UST faculty of Civil Law Dean Nilo Divina, kinasuhan na sa Department of Justice

Pormal ng kinasuhan sa Department of Justice o DOJ ng mga magulang ng pinaslang na si Horacio Castillo III si UST faculty of Civil Law Dean Nilo Divina at ang mga board of trustees ng Aegis Juris Foundation Incorporated.

Sa dalawang set ng supplemental complaint-affidavits ng mga Castillo, reklamong paglabag sa Anti-Hazing law at Murder sa ilalim ng Article 248 ng REvised Penal Code ang isinampa laban kay Divina.

Pinangalanan dinna respondents ang iba pang trustees ng Aegis Juris Foundation na sina William S. Merginie, Cezar N. Tirol, Oscar T. Ce, Alexander J. Flores, Alvin Dysangco, Henry C. Pablo, Gabriel T. Robeniol, Michael Joseph G. Flores, Emmanuel Velasco, Allan Christopher Agati, Paulino Yusi, Arthur Capili, Arnel Bernardo at Edwin Uy

Kasama ring inireklamo ang 21 iba pang personalidad kabilang si John Paul Solano at mga miyembro ng Aegis Juris

Bukod dito, kinasuhan din si Divina at 21 iba pa ng perjury at apat na counts ng obstruction of justice.

Itinakda sa October 24 ng DOJ panel of prosecutors ang paghahain ng kontra salaysay.

Binigyan din ang respondents ng october 30 para maghain ng supplemental counter affidavit.

Samantala, nagsumite rin ang Manila Police District ng dagdag na mga dokumento at ebidensya kabilang na ang kopya ng CCTV footages ng Brgy 471, zone 46 sa Sampaloc, Maynila.

Naghain din ng komento ang MPD sa mosyon ng kampo ni Solano na ibasura ang judicial affidavit nito.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *