Utos ni Pang. Duterte sa AFP na okupahan ang mga isla sa Spratlys “good move”- Dela Salle Prof
Kagulat gulat ang pagbabago ng isip ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga teritoryong sakop ng Pilipinas.
Sa panayam ng Liwanagin Natin, sinabi ni Dr. Rene de Castro Prof. ng Dela Salle University at International Relation expert tama lamang ang ginawang pag-aatas ng Pangulo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na okupahan ang mga isla sa West Philippine Sea na sakop ng Pilipinas.
Aniya may dahilan kung bakit nagkaroon ng pagbabago sa pahayag ni Pangulong Duterte.
Naniniwala si de Castro na magiging kaabang abang ang mga susunod na pangyayari lalot iginigiit ng Pangulo na mukhang agawan na ito ng isla kaya dapat kunin na ng Pilipinas ang mga pag-aaari bansa at iparamdam o ipakita ang matinding paninindigan sa ating inaangking mga teritoryo.