VACC kinuwestyon sa Korte Suprema ang umano’y special treatment kay Sen. de Lima

Kinuwestiyon ng Volunteers Against Crime and Corruption sa Korte Suprema ang anila’y special treatment kay Senadora Leila de Lima na nakakulong sa Kampo Crame.

Sa liham ni VACC  founding chairman  Dante Jimenez kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, sinabi  nito na walang konkretong batayan ang desisyon ng Muntinlupa RTC na dapat mabilanggo si de Lima sa ibang pasilidad na hindi sakop ng panuntunan ng BJMP dahil lamang ito ay Senador.

Nakasaad sa Section 63 ng Republic Act 6975 o DILG Act na ang mga district, city at municipal jail ang magbibigay ng kustodiya sa mga taong nakadetine o naghihintay ng paglilitis.

Ang hindi pagsunod sa naturang probisyon ng batas, ay taliwas aniya  sa prinsipyo ng equal protection of the law ng Konstitusyon.

Binanggit pa ng VACC ang dalawang kapwa akusado ni de Lima na sina Dating NBI Deputy Director Rafael Ragos na nakakulong sa NBI Detention Center at si Ronnie Dayan naman ay sa Muntinlupa City Jail.

Kaugnay nito nanawagan ang VACC sa Supreme Court na iutos sa lahat ng mga korte at hukom sa bansa ang pagsunod sa Section 63 ng DILG Act nang walang  kinikilingan o kinatatakutan.

Kabilang din sa kinuwestiyon ng VACC ang iba pang matataas na opisyal sa gobyerno na nakakulong din sa PNP Custodial Center o iba pang pasilidad na wala sa pangangasiwa ng BJMP.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *