Vaccination rate sa HEIs pinalakas ng CHED para sa expanded classes sa 2022
Isa sa pangunahing susi sa pagpapalawig ng limitedin-person classes sa higher education institution (HEIs) sa buong bansa, ay ang ganap na mabakunahan laban sa Covid-19 ang mas marami pang teaching at non-teaching personnel.
Sa pamamagitan nito ay isinulong ng Commission on Higher Education (CHED), ang mas pinaigting na school-based vaccination sa huling quarter ngayong taon dahil mas marami pang estudyante ang nagbalik sa mga paaralan.
Hindi naman nawalan ng saysay ang pagsisikap ng komisyon, dahil ang pagbabakuna sa kalipunan ng HEI students at personnel ay patuloy na tumataas.
Hanggang nitong December 29, nasa 87.1 percent o 255,229 mula sa 293,058 teaching at non-teaching employees sa HEIs sa buong bansa ang nabakunahan na.
Sinabi ni CHED Chair J. Prospero de Vera III . . . “This is a significant increase from the 72 percent vaccination rate at the start of the aggressive vaccination campaign in October 2021.”
Samantala, ang vaccination rate naman sa mga mag-aaral ay tumaas ng 59.7 percent mula sa 46 percent noong Oktubre. Katumbas ito ng 2,456,667 mula sa 4,115,988 mga estudyante.
Sa 2,456,667, 43.21 ang fully vaccinated habang 16.42 percent ang nakatanggap na ng kanilang first dose.
Ayon kay de Vera . . . “The Commission is happy to report that in many regions of the country, the vaccination rate of our education front-liners have reached herd immunity levels ensuring not only their availability to join face-to-face classes but more importantly, they are helping protect their families and communities from the rapid spread of the Covid-19 virus.”
Ang school-based vaccination drive ay sinimulan ng CHED kasama ang Department of Health (DOH), National Task Force (NTF) Against Covid-19, local government units, at partner HEIs.
Noong November 16, ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekomendasyon ng CHED na magsagawa ng phased implementation ng in-person classes sa HEIs.
Sa ilalim ng IATF-EID Resolution 148-G, ang pagpapatupad sa panukalang pagbabalik ng limited in-person classes para sa lahat ng degree programs ay kasunod ng phased at nationwide implementation ng Alert Levels System para sa Covid-19.
Ang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1, 2 at 3 ay pinapayagang magsagawa ng limited in-person classes batay sa ilang mga kondisyon.
Bukod sa fully vaccinated teaching at non-teaching personnel, dapat ding tiyakin ng HEIs na ang magiging kapasidad ang silid-aralan ay 50% lamang, at kailangang kumuha ng approval mula sa kinauukulang local government units.
Ang Phase 1 ng limitadong personal na klase ay nagsimula ngayong buwan para sa mga HEI na nasa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 2. Magsisimula naman ang Phase 2 sa Enero 2022.