Vaccine rollout sa Japan mabagal sa harap ng nalalapit na Olympic Games
TOKYO, Japan (AFP) – Tatlong buwan na lamang bago ang Olympics, ang pinakamalaking international event mula nang mag-umpisa ang pandemya, subalit wala pang isang porsyento ng populasyon ng Japan ang fully vaccinated na.
Binigyang diin ng Olympic organisers at at local officials, na ang bakuna ay hindi isang prerequisite para sa mga palaro. Ang participants ay hindi kailangang bakunado nab ago magtungo ng Japan, at walang plano na gawing priority ang pagbabakuna sa Japanese athletes o volunteers.
Ngunit ang mabagal na paglulunsad ng bakuna ng ikatlong pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo, na sinasabing epekto ng magkahalong pag-iingat at mga hadlang, ay nagsisimula nang punahin ng publiko.
Ayon kay Takakazu Yamagishi, director sa Center for International Affairs sa Nanzan University, na nagsasaliksik sa health policy . . . “The government has emphasised caution to build trust in the vaccine, but more and more people are realising that the delayed vaccination process has put Japan in a difficult position to hold the Olympics.”
Aniya, magpapahina ito sa kanilang suporta sa palaro.
Majority nan g Japanese community ang tutol na ituloy ang Olympics, at ilang buwan na ring under pressure si Prime Minister Yoshihide Suga, kaugnay ng kaniyang pagtugon sa pandemya.
Ang outbreak sa Japan ay maliit pa sa ngayon, kung saan wala pang sampung libo ang nasawi dahil sa virus.
Gayunman, may ilang rehiyon kabilang na ang Tokyo, ang humiling ng panibagong virus states of emergency ngayong linggo, matapos magkaroon ng bagong wave ng mga kaso na halos ikasuko na ng ilang local healthcare systems.
© Agence France-Presse