Vaccine upon arrival policy sa mga dayuhang turista , Isinusulong
Isinusulong ni Senator Francis Tolentino ang pagtuturok ng bakuna sa mga dayuhang turista na pumapasok sa bansa.
Sa harap ito ng unti unting pagbuhos na ng mga dayuhan dahil sa pagbubukas ng border ng bansa.
Sinabi ni Tolentino na sa ilalim ng vaccine upon arrival, pwedeng alukin ang mga dayuhan ng bakuna sa mga hindi pa bakunadong turista.
Makakatulong raw ito para palakasin ang industriya ng turismo.
Giit ni Tolentino, sapat ang one-shot vaccine na american pharmaceutical na janssen at sputnik light ng Russia para sa mga inbound tourist dahil hindi ito nangangailangan ng second dose.
Giit pa ng Senador, ang sektor ng turismo ang isa sa pinakamatinding hinagupit mg pandemya at ito rin ang may pinaka malaking ambag sa paglago ng ekonomiya.
Meanne Corvera