Venice Film Festival naapektuhan ng biglang buhos ng malakas na ulan

People hold their umbrellas near a red carpet during a stormy weather at the 81st Venice film festival in Venice, Italy, September 5, 2024. REUTERS/Yara Nardi

Nag-alisan sa red carpet ang mga aktor at filmmakers, nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng Venice Film Festival.

Ito rin ang tumapos sa ilang araw nang tuloy-tuloy na mainit na panahong nararanasan sa Venice.

Naapektuhan ng malakas na buhos ng ulan ang pagdating ng mga celebrity para sa premiere ng documentary na “Russians at War,” habang nagtakbuhan naman paalis sa red carpet ang staff at crew ng Georgian film na “April.”

Ang mga attendee ay inalalayan ng staff na may dalang payong patungo sa main cinema complex, habang humingi naman ng paumanhin ang artistic director ng festival na si Alberto Barbera sa mga guest na bahagyang nabasa.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *