Vice President Leni Robredo , hindi pa isinusuko ang posibilidad ng kaniyang planong pagsabak sa Presidential race sa Mayo
Hindi pa tuluyang isinusuko ni Vice President Leni Robredo ang posibilidad ng kaniyang planong pagsabak sa Presidential race sa Mayo.
Ito ang nilinaw ni Senate Minority Leader Franklin Drilon matapos sabihin ni Senador Antonio Trillanes na ipinauubaya na umano ni Robredo kay Senador Ping Lacson ang pagiging kandidato ng oposisyon sa halalan.
Kasunod ito ng ginawang pakikipagpulong ni Robredo kina Lacson at Senator Richard Gordon na kapwa naghayag ng intensyong sumabak sa pampanguluhang eleksyon.
Pero ayon kay Drilon, nakipag-usap si Robredo kay Lacson para magkaroon ng unity sa oposisyon lalo sa mga tatakbo sa halalan.
Ang united nationalists alliance, pansamantala namang itinigil ang pakikipag alyansa sa iba pang partido at lahat ng mga aktibidad na may kinalaman sa pulitika.
Ayon kay Senador Nancy Binay na pangulo ng una, masyadong silang magiging insensitive kung uunahin ang pulitika samantalang dumaranas ng krisis ang mga kababayan dahil sa epekto ng covid 19 pandemic.
Nais aniya nilang makapag focus ang mga miyembro ng partido sa pagtugon sa problemang dulot ng pandemya.
Ipinagpaliban na rin nina Senator Ping Lacson at Senate president Vicente Sotto ang pagsasapubliko ng kanilang kandidatura na nakatakda sana ngayong unang linggo ng Agosto.
Meanne Corvera