Vice President Leni Robredo, Senador Antonio Trillanes at Liela de Lima itinuro ni Pangulong Duterte na nasa likod ng destabilisasyon sa gobyerno
Pinangalanan ni Pangulong Duterte sina Vice President Leni Robredo, Senador Antonio Trillanes at Senadora Liela de Lima na pasimuno ng destabilisasyon para ibagsak siya sa puwesto.
Sinabi ng Pangulo sa harapan ng mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippines o IBP na wala ng ginawa sina Robredo, Trillanes at de Lima kundi sirain ang administrasyon.
Sa kabila ng akusasyon ng Pangulo kay Robredo ayaw naman ng Chief Executive na isulong ang impeachment laban sa Pangalawang Pangulo.
Kung sa Philippine Military Academy graduation sa Baguio City ay hindi magkatabi sina Pangulong Duterte at Vice President Robredo ngayong graduation ng Philippine National Police Academy sa Silang Cavite ay hiniling ng Pangulo na makatabi ang Pangalawang Pangulo.
Ulat ni: Vic Somintac