Vice- President ng China dadalo sa inagurasyon ni PBBM
Si Chinese Vice-President Wang Qishan ang kinatawan ng China sa inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos Jr. sa Huwebes, Hunyo 30.
Kinumpirma ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na si Vice-President
Wang Qishan ang dadalo sa inagurasyon ni Marcos bilang special representative ni President Xi Jinping.
Pangungunahan ni Wang ang delegasyon ng China.
Una nang tinawagan at binati ng Chinese president si BBM sa pagkapanalo nito sa eleksyon noong Mayo.
Samantala, dumating na sa bansa ang mangunguna sa delegasyon ng US sa Marcos inauguration na si Second Gentleman Douglas Emhoff.
Si Emhoff ay ang asawa ni US VP Kamala Harris.
Si Emhoff ay sinalubong sa paliparan ni US Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires, ad interim, Heather Variava na kasama rin sa inauguration delegation.
Moira Encina