Victor Wembanyama ng France, pinangalanang 2024 NBA Rookie of the Year
Inanunsiyo ng liga na pinangalanan bilang 2024 NBA Rookie of the Year, ang French San Antonio Spurs star na si Victor Wembanyama, unang pagkakataon na nakuha ng isang Pranses ang karangalan.
Ang 20-anyos na center, isang 7-foot-4 (2.24m) prodigy na top pick sa NBA Draft noong nakaraang taon, ay nag-average ng 21.4 points, 10.6 rebounds, 3.9 assists, isang league-high 3.6 blocked shots at 1.2 steals per game sa kanyang kahanga-hangang debut campaign.
Si Wembanyama ay isang unanimous selection, na nakakuha ng lahat ng 99 first-place votes, ang unang unanimous top rookie pick mula kay Karl-Anthony Towns noong 2016.
Victor Wembanyama #1 of the San Antonio Spurs looks on after the game on April 12, 2024 at the Frost Bank Center in San Antonio, Texas / 2024 NBAE Michael Gonzales/NBAE via Getty Images/AFP
Michael Gonzales / NBAE / Getty Images / Getty Images via AFP
Sinabi ni Wembanyama, “My goals were always to have my team as best as I could and to get better as the year went on. I knew that in order to do this I had to be individually good on the court and dominant so it was a hiuge thing for me, a big thing to get. It has always been really important and I’m glad it’s finally official.”
Samantala, si Chet Holmgren, isang center para sa Western Conference champion na Oklahoma City, ang pumangalawa at si Brandon Miller naman ng Charlotte ang pumangatlo sa botohan.
Bagama’t hindi maganda ang record ng Spurs (22-60), ‘second-worst’ sa Western Conference, si “Wemby” ay naging isang NBA sensation dahil sa kahanga-hanga niyang galing sa paglalaro, na umayon naman sa una nang pagkakilala sa kaniyan bilang isang ‘once-in-a-generation talent.’
May 38 points, 10 rebounds at dalawang block sa panalo noong Nobyembre laban sa Phoenix, ang noo’y 19-anyos pa lamang na si Wembanyama ay napasama kay LeBron James at Kevin Durant bilang ‘tanging NBA teens’ na nakagawa ng 35 points, 10 boards at two blocks sa isang laro.
Victor Wembanyama #1 of the San Antonio Spurs looks on during the game against the Denver Nuggets on April 12, 2024 at the Frost Bank Center in San Antonio, Texas / 2024 NBAE Garrett Ellwood/NBAE via Getty Images/AFP / Garrett Ellwood / NBAE / Getty Images / Getty Images via AFP
Matapos makamit ang kanyang unang NBA triple double sa panalo noong Enero laban sa Detroit, nagawa ni Wembanyama ang kanyang pangalawang triple double na may 27 points, 14 rebounds at 10 blocked shot sa panalo noong Pebrero laban naman sa Toronto, siya ang una na nakagawa ng 20 points at 10 blocks sa wala pang 30-minutong nilaro at una ring NBA player na may blocks sa isang triple double mula noong 2021.
Si Wembanyama rin ang naging pinakabatang manlalaro sa kasaysayan ng NBA na nagtala ng statistical “five-by-five” at nagawa ito sa loob ng 30 minuto, “fastest ever” na may 27 points, 10 rebounds, 8 assist, 5 steals at 5 blocked shot sa isang game kung saan sila natalo sa Los Angeles Lakers.
Si Wembanyama ay napasama sa Spurs star big men na sina Tim Duncan at David Robinson, bilang tanging NBA players na may 30 points, 10 rebounds, five assists at five blocks in a game, nang siya ay makapagposte ng 31 points, 12 rebounds, six assists, six blocks at isang steal sa panalo nila laban sa Indiana noong March.
Sa huling bahagi ng March, si “Wemby” ay mayroon nang career-high 40 points na may 20 rebounds sa panalo nila laban sa New York.
Victor Wembanyama #1 of the San Antonio Spurs looks on from the bench during the game against the Oklahoma City Thunder on April 10, 2024 at Paycom Arena in Oklahoma City, Oklahoma / 2024 NBAE Logan Riely/NBAE via Getty Images/AFP/Logan Riely / NBAE / Getty Images / Getty Images via AFP
Si Wembanyama, na isa ring finalist para sa NBA Defensive Player of the Year, ay napipisil na isama sa Olympic team ng France na magsisilbing host sa pinakamahuhusay sa mundo sa Paris Olympics.
Apo ng basketball players at anak ng kaniyang ama na isang track and field athlete at ina na isang basketball player at coach, si Wembanyama ay naging isang goalkeeper bago iniwan ang football para maglaro ng basketball.
Naging star siya sa French league at nakuha ang atensiyon ng NBA scouts na gustong makita ang kaniyang pag-unlad. Nang sumapit ang 2023 NBA Draft, hindi na pinag-alinlanganan na napasama siya sa ‘top selection,’ at napunta sa Spurs squad kung saan ang French guard na si Tony Parker ay naging isang NBA legend.