Video message ni VP Robredo, bahagi ng destab plot vs. Duterte – Speaker Alvarez
Naniniwala si House Speaker Pantaleon Alvarez na bahagi ng destablization plot kay Pangulong Rodrigo Duterte ang video message ni Vice President Leni Robredo.
Sa nabanggit na video message, sinabi ni Robredo na siya mismo ang magdudulog sa United Nations ng sitwasyon ng bansa kaugnay ng pinaigting na kampanya kontra droga ng Duterte administration.
Sa panayam ng programang Liwanagin Natin, sinabi ni Alvarez na ang sinasabing expose’ ni VP Robredo ay nagpapahayag ng ambisyon nito na palitan si Pangulong Duterte sa puwesto dahil ang lahat ng kaniyang mga sinabi ay pawang kasinungalingan.
Payo ni Alvarez sa Bise Presidente, mas mainam na tutukan na lamang nito ang pagtulong sa mga mamamayan para mapabuti ang kalagayan ng ekonomiya at ng kabuuan ng bansa.