Video message ni VP Robredo sa UN laban sa Duterte administration may negatibong epekto sa bansa ayon sa Malakanyang
Inamin ni Tourism Secretary Wanda Teo na malaking dagok sa turismo ng Pilipinas ang video message ni Vice President Leni Robredo sa United Nations kung saan binatikos ang anti-drug war ng Duterte administration na sanhi umano ng mga extra-judicial killings na nagaganap.
Sa media briefing sa Bangkot Thailand sinabi ni Secretary Teo ang mga ganitong pahayag at alegasyon ay nagpapahirap sa kanilang trabaho para ibenta at ipakilala bilang tourist destination ang Pilipinas.
Ayon kay Teo kahit saan siya magpunta ay lagi siyang natatanong kung totoo ba ang extra-judicial killings sa bansa at lagi niyang tinitiyak na ligtas mamasyal sa Pilipinas kasabay ng paghikayat na magpunta sila rito para patunayan ito sa kanilang mga sarili.
Kasabay nito umaapela si Secretary Teo kay Robredo at sa media na kung maari ay i-tone down o huwag masyadong palakihin ang isyu ng extra-judicial killings sa bansa.
Ulat ni: Vic Somintac