Video ng pag-amin ni Pangulong Duterte sa EJK, isusumite ni Senador Trillanes sa ICC
Pinamamadali na ni Senador Antonio Trillanes sa International
Criminal Court (ICC) ang imbestigasyon sa kasong Crime against humanity na isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng mga kaso ng pagpatay sa Plipinas.
Sinabi ni Trillanes na nahuli sa kanyang sariling bibig ang Pangulo na
sangkot ito sa mga kaso ng pagpatay.
Sen. Trillanes:
“Those remarks uttered in unguarded moments, ‘yun ‘yung mga bits of
truth na lumalabas dito kay Duterte. Madalas itong nagsisinungaling
pero ‘yung mga ganyang unguarded moments d’yan lumalabas ‘yung kanyang
saloobin”.
Ayon sa Senador, nadownload na ng kaniyang mga staff ang video ng
pahayag ng Pangulo at mayroon na rin itong transcription na isusumite
nila sa ICC.
Maari raw itong gamiting batayan ngICC ang kanilang imbestigasyon at
makapagpalabas ng arrest warrant laban sa Pangulo.
Ang Pangulo ay una nang kinasuhan ng kampo ni Trillanes ng crime
against humanity sa ICC dahil sa pagkamatay ng libo-libong indibidwal
kaugnay ng kampanya ng gobyerno laban sa droga.
Ulat ni Meanne Corvera