Viola Davis, nakuha na ang EGOT status matapos manalo ng Grammy

LOS ANGELES, CALIFORNIA - FEBRUARY 05: Viola Davis onstage during the 65th GRAMMY Awards at Crypto.com Arena on February 05, 2023 in Los Angeles, California. Emma McIntyre/Getty Images for The Recording Academy/AFP (Photo by Emma McIntyre / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP)

Viola Davis onstage during the 65th GRAMMY Awards at Crypto.com Arena on February 05, 2023 in Los Angeles, California. Emma McIntyre/Getty Images for The Recording Academy/AFP (Photo by Emma McIntyre / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP)

Kasama na ngayon si Viola Davis sa tinatawag na “rare firmament of showbiz luminaries,” na nagwagi ng Emmy, Grammy, Oscar at Tony awards, o EGOT, matapos niyang maiuwi ang gramophone para sa best audio book, narration at storytelling.

Ang Grammy award ay ibinigay sa 57-anyos na si Davis para sa pagsasatinig sa audio version ng kaniyang 2022 best-selling memoir na “Finding Me.”

Sa isang pre-telecast ceremony sa Los Angeles ay sinabi ni Davis, “I wrote this book to honor the six-year-old Viola. To honor her life, her joy, her trauma, everything. And, it has just been such a journey – I just EGOT!”

Dinaig ni Davis ang mabibigat na kalaban gaya ng komedyanteng si Mel Brooks, na mayroon nang EGOT; kompositor at aktor na si Lin-Manuel Miranda, at aktor na si Jamie Foxx at musician na si Questlove, na kapwa nanalo na ng Oscar at Grammy.

Viola Davis celebrates the Best Audio Book, Narration, and Storytelling award for “Finding Me” during the 65th GRAMMY Awards Premiere Ceremony at Microsoft Theater on February 05, 2023 in Los Angeles, California. Leon Bennett/Getty Images for The Recording Academy/AFP (Photo by Leon Bennett / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP)

Si Davis ay nagwagi ng isang Oscar noong 2017para sa best supporting actress para sa pelikulang “Fences” kung saan kasama niya si Denzel Washington, at isang Tony na ikalawa na niya para sa kaparehong papel sa August Wilson’s play noong 2010.

Nanalo siya ng isang Emmy para sa best actress in a drama para sa “How to Get Away with Murder” noong 2015.

Siya ang ika-18 taong nagkaroon ng EGOT. Ang pinakahuli bago siya ay si Jennifer Hudson noong 2021. Ang iba pa na mayroon na ring EGOT status ay kinabibilangan nina Whoopi Goldberg at Rita Moreno, Broadway composer na si Andrew Lloyd Webber at crooner na si John Legend. 

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *