Virgin Australia, nagkansela ng flight papasok at palabas ng Bali dahil sa abo ng bulkan
Kinansela ng Virgin Australia ang kanilang flights papasok at palabas ng Bali, Indonesia, dahil hindi ligtas ang lumipad dahil sa volcanic ash mula sa pumutok na Mount Lewotobi.
Matatandaan na noong Sabado ay tatlong beses na pumutok ang Bulkang Lewotobi Laki-laki, at nagbuga ng volcanic ash column na siyma na kilometro o 5.6 na milya ang taas.
Damaged school buildings which were affected by the Mount Lewotobi Laki-Laki volcano eruption are seen at Flores Timur, Indonesia, November 4, 2024. Antara Foto/Pemulet Paul/via REUTERS/File Photo
Sa isang pahayag ng Virgin Australia, “Due to the presence of volcanic ash, it is currently unsafe to operate flights to and from Denpasar.”
Ayon sa airline, umabot sa 15 flights sa pagitan ng mga siyudad sa Australia at Bali ang naapektuhan ng pagputok g naturang bulkan.