Visa ng mahigit 1 libo illegal POGO workers kinansela na ng Bureau of Immigration
Aabot pa lang sa 1,424 dayuhang illegal POGO workers sa bansa ang nakakansela ng Bureau of Immigration.
Pero ang bilang na ito, malayo pa sa mahigit 48 libong dayuhan na karamihan ay chinese nationals na nagtatrabaho sa POGO companies na kanselado na ang mga lisensya.
Paliwanag ni BI Commissioner Norman Tansingco, inuna muna nila ang kanselasyon ng mga may valid at existing visa na at siguradong narito pa sa bansa.
Sa ngayon, patuloy pa aniya ang kanilang cross checking sa kanilang database para matukoy kung sino sino pa sa mga ito ang nasa Pilipinas.
Ang pangalan aniya ng 1,424 na ito ay kasama na sa derogatory database ng BI at kelangang makaalis ng bansa sa loob ng 60 ataw.
Ang mabibigong umalis sa nasabing panahon ay maaari aniyang areatuhin at maharap sa deportation proceedings.
Tiniyak naman ng opisyal na hindi sila tumitigil para matiyak na wala ng mga iligal na dayuhan ang narito sa bansa at inaabuso ang ating mga umiiral na batas.
Madelyn Villar- Moratillo