Vladimir Putin ng Russia, binigyan na ng COVID-19 booster shot
Nabakunahan na ng COVID-19 booster shot si Russian President Vladimir Putin.
Bagama’t ang Russia ay may ilang mga bakuna na sila mismo ang gumawa, 36.7 porsyento lamang ng populasyon ang ganap nang bakunado, ayon sa website ng Gogov, na sumusubaybay sa data.
Ang mga awtoridad ay nagpupumilit na kumbinsihin ang mga tao na magpabakuna laban sa Covid, laluna’t ang bagong wave ng virus ay naging sanhi na ng pagkamatay ng marami araw-araw.
Si Putin, na nagsasabing siya ay sumasalungat sa universal mandatory vaccinstion, ay sumuporta pa rin sa mga hakbang na ginawa sa ilang mga rehiyon para sa ilang kategorya ng mga tao.
Kaya noong Hunyo, sinabi ng mga awtoridad sa kabisera ng Moscow na ang pagbabakuna ay magiging obligado na para sa sinumang nagtatrabaho sa service sector.
Ang Russia sa ngayon ay opisyal nang nakapagtala ng higit sa 9.3 cases ng Covid, at bahagyang lampas sa 264,000 na ang nasawi, kaya’t ito ang maituturing na pinakamatinding tinamaan ng virus sa Europa.
Gayunman ayon sa mga numero mula sa ahensya ng istatistika ng Rosstat, ang aktuwal na bilang ng mga namatay sanhi ng pandemya ay malapit na sa 450,000 hanggang sa pagtatapos ng Setyembre. (AFP)