Vote buying, mapipigilan sa pagbabawal ng Comelec na gumastos ngayong kampanya
Maari umanong mapigilan ang anumang vote buying sa desisyon ng Comelec na ipatigil muna ang paggastos ng gobyerno ngayong panahon ng kampanya.
Ito ang paniniwala ni Senador Aquilino Pimentel sa utos ng Comelec na ipagbawal muna ang paggastos ng gobyerno partikular na ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga tsuper at operator ng mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay Pimentel, dapat sundin muna ang utos ng Comelec dahil maaring maiugnay ang pagbibigay ng tulong ng gobyerno sa nalalapit na eleksyon.
Maari naman aniyang makapaghintay ito lalot isang buwan na lang idaraos na ang pambansang halalan.
Pero may apila si Senador Grace Poe sa Comelec na madaliin ang pagpapasya hinggil sa subsidiya.
Giit ng Senador hindi makapaghihintay ang kumakalam na sikmura ng mga pamilya ng mga tsuper na matapos tamaan ng pandemya apekatado naman ng mataas na presyo ng diesel at gasolina.
Meanne Corvera